Church of Philadelphia
Category
General Information
Phone: +1 519-731-2741
Website: thekingfisherrevelation.com/
Likes: 1138
Reviews
Facebook Blog
Maging Tagatupad ng Mensahe o Salita ng Diyos Jm 1:19-27 19 Nalalaman ninyo ito, minamahal kong mga kapatid. Nguni't magmaliksi ang bawa't tao sa pakikinig, magmakupad sa pananalita, magmakupad sa pagkagalit;... 20 Sapagka't ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios. 21 Kaya't ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang pagapaw ng kasamaan, at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa. 22 Datapuwa't maging tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili. 23 Sapagka't kung ang sinoman ay tagapakinig ng salita at hindi tagatupad, ay katulad siya ng isang tao na tinitingnan ang kaniyang talagang mukha sa salamin: 24 Sapagka't minamasdan niya ang kaniyang sarili, at siya'y umaalis at pagdaka'y kaniyang nalilimutan kung ano siya. 25 Nguni't ang nagsisiyasat ng sakdal na kautusan, ang kautusan ng kalayaan, at nananatiling gayon, na hindi tagapakinig na lumilimot, kundi tagatupad na gumagawa, ay pagpapalain ang taong ito sa kaniyang ginagawa. 26 Kung ang sinoman ay nagiisip na siya'y relihioso samantalang hindi pinipigil ang kaniyang dila, kundi dinadaya ang kaniyang puso, ang relihion ng taong ito ay walang kabuluhan. 27 Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan.
Ang Magandang Balita: Deut 6:4-5 4 Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon:... 5 At iyong iibigin ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas.
Pangunahan at Mamuhay sa kawan ng Diyos sapagka't ang Dios ay sumasalangsang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba. 1Ped 5:5b 1Ped 5:1-11... 1 Sa matatanda nga sa inyo'y umaaral ako, akong matandang kasamahan ninyo, at isang saksi ng mga hirap ni Cristo, na may bahagi naman sa kaluwalhatiang ihahayag: 2 Pangalagaan ninyo ang kawan ng Dios na nasa inyo, na magsigamit kayo ng pagpupuno, na hindi sapilitan, kundi may kasayahan, na ayon sa kalooban ng Dios; ni hindi dahil sa mahalay na kapakinabangan, kundi sa handang pagiisip; 3 Ni hindi din naman ang gaya ng kayo'y may pagkapanginoon sa pinangangasiwaang ipinagtagubilin sa inyo, kundi kayo'y maging mga uliran ng kawan. 4 At pagkahayag ng pangulong Pastor, ay magsisitanggap kayo ng di nasisirang putong ng kaluwalhatian. 5 Gayon din naman, kayong mga kabataan, ay magsisuko sa matatanda. Oo, kayong lahat ay mangagbigkis ng kapakumbabaan, na kayo-kayo'y maglingkuran: sapagka't ang Dios ay sumasalangsang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba. 6 Kaya't kayo'y mangagpakababa sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Dios, upang kayo'y kaniyang itaas sa kapanahunan; 7 Na inyong ilagak sa kaniya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagka't kayo'y ipinagmamalasakit niya. 8 Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya: 9 Na siya'y labanan ninyong matatag sa inyong pananampalataya, yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan. 10 At ang Dios ng buong biyaya na sa inyo'y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo'y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo. 11 Sumasakaniya nawa ang paghahari magpakailan man. Siya nawa.
Ang Magandang Balita: Mat 6:19-21 19 Huwag kayong mangagtipon ng mga kayamanan sa lupa, na dito'y sumisira ang tanga at ang kalawang, at dito'y nanghuhukay at nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw:... 20 Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo'y hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang, at doo'y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw: 21 Sapagka't kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman doroon ang iyong puso.
Ang kapanganakan ba ni Jesus Cristo ay Jan 1, sabi ng Ministro? (Tanong ni Kapatid na Ghie Fabia) Ang Bibliya ay hindi nagbibigay ng eksaktong araw o kahit na eksaktong taon kung saan ipinanganak si Jesus sa Bethlehem. Ngunit ang isang malapit na pagsusuri ng magkakasunod na mga detalye ng kasaysayan ay nagpapakita ng mga posibilidad sa isang makatuwirang panahon ng oras....Continue reading
Ang Magandang Balita: Kaw 29:2 2 Pagka ang matuwid ay dumadami, ang bayan ay nagagalak: nguni't pagka ang masama ay nagpupuno, ang bayan ay nagbubuntong-hininga.
Pagdurusa sa Paggawa ng Mabuti 1 Pet 3:8-18 8 Katapustapusan, kayong lahat ay mangagkaisang akala, madamayin, mangagibigang tulad sa magkakapatid, mga mahabagin, mga mapagkumbabang pagiisip:... 9 Na huwag ninyong gantihin ng masama ang masama, o ng alipusta ang pagalipusta; kundi ng pagpapala; sapagka't dahil dito kayo'y tinawag, upang kayo'y mangagmana ng pagpapala. 10 Sapagka't, Ang magnais umibig sa buhay, At makakita ng mabubuting araw, Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama, At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya: 11 At tumalikod siya sa masama, at gumawa ng mabuti; Hanapin ang kapayapaan, at kaniyang sundan. 12 Sapagka't ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid, At ang kaniyang mga pakinig ay sa kanilang mga daing: Nguni't ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga nagsisigawa ng masama. 13 At sino ang sa inyo ay aapi, kung kayo'y mapagmalasakit sa mabuti? 14 Datapuwa't kung mangagbata kayo ng dahil sa katuwiran ay mapapalad kayo: at huwag kayong mangatakot sa kanilang pangtakot, o huwag kayong mangagulo; 15 Kundi inyong ariing banal si Cristo na Panginoon sa inyong mga puso: na lagi kayong handa ng pagsagot sa bawa't tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo, nguni't sa kaamuan at takot: 16 Na taglay ang mabuting budhi; upang, sa mga bagay na salitain laban sa inyo, ay mangapahiya ang nagsisialipusta sa inyong mabuting paraan ng pamumuhay kay Cristo. 17 Sapagka't lalong magaling, kung gayon ang iniibig ng kalooban ng Dios na kayo'y mangagbata dahil sa paggawa ng mabuti kay sa dahil sa paggawa ng masama. 18 Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay sa laman, nguni't binuhay sa espiritu;
Ang Magandang Balita: Isa 40:31 31 Nguni't silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas; sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila'y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila'y magsisilakad, at hindi manganghihina.
Ano po ang mga mahigpit na ipinagbabawal ng Panginoong Dios? (Tanong ni Kapatid na Alla Mae Barrozo Castro) Ang hinding-hindi mapapatawad na kasalanan o "kalapastanganan sa Banal na Espiritu" (Blasphemy of the Holy Spirit) ay nabanggit sa Marcos 3: 2230 at Mateo 12: 2232. ...Continue reading
The Good News: Ps 1:6 6 Certainly the LORD guards the way of the godly, but the way of the wicked ends in destruction.
Ano ang ‘Trinity’. (Tanong ni Kapatid na Ghie Fabia, Ano po ba ang The Father, The Son and The Holy Spirit? -Trinity) Isa sa pinakamahirap na bagay tungkol sa konsepto(concept) ng Kristiyano ang ‘Trinity’ ay ang walang paraan upang buo at ganap na maunawaan ito. Ang ‘Trinity’ ay isang konsepto na imposible para sa sinumang tao na ganap na maunawaan, maging sa pagpapaliwanag. ...Continue reading
Ang Magandang Balita: Mga Awit 1:5-6 5 Kaya't ang masama ay hindi tatayo sa paghatol, ni ang mga makasalanan man sa kapisanan ng mga matuwid.... 6 Sapagka't nalalaman ng Panginoon ang lakad ng mga matuwid: nguni't ang lakad ng masama ay mapapahamak.
Ang Pangalan ng Dios, ‘AKO YAONG AKO’. (Tanong ni Kapatid na Maximino Cerezo, Ano ang Pangalan ng Diyos?) Ang sinaunang wikang Hebrew kung saan nakasulat ang Lumang Tipan ay walang mga patinig(vowels) sa alpabeto nito. Sa nakasulat na anyo, ang sinaunang Hebrew ay isang wikang pangatnig(consonants) lamang. Sa orihinal na Hebrew, ang pangalan ng Diyos ay naisasalin sa ‘YHWH’ (kung minsan ay nakasulat sa mas matandang istilo bilang YHVH). Kilala ito bilang tetragrammaton (na...Continue reading
Popular Listings
Kitowin Toastmasters Club
12 Stanton St. T4N 0B8 Red Deer, AB, Canada
+1 403-740-0770
Non-profit organisation, Community organisation, Community group, Social club
Patriotes de l'UQTR
3351 Boul des Forges G9A 5H7 Trois-Rivières, QC, Canada
+1 819-376-5254
Community organisation, Sports club, School sport team
St. Patrick Roman Catholic Church
123 King Street L3K 4G3 Port Colborne, ON, Canada
Community organisation, Religious organisation