1. Home /
  2. Community organisation /
  3. CTRCC Prayer Room


Category

General Information

Phone: +1 204-599-2231



Likes: 109

Reviews

Add review



Facebook Blog

CTRCC Prayer Room 27.01.2021

Aming makapangyarihang Diyos maraming salamat po sa buhay at lakas. Aking dalangin Panginoon na iyong iingatan ang aking mga kaibigan, mga kabanay, mga kapatiran sa pananampalataya at ang aking pamilya. Pagalingin niyo po ang may karamdaman sa kanila at pagpalain ang bawat isa ng ayon sa iyong kalooban. Pagpalain niyo po siya na bumabasa nito. Wag niyo po silang lalagpasan. Sa pangalan ni Hesus. Amen.

CTRCC Prayer Room 20.01.2021

Aming mahabaging Diyos na may likha ng langit at lupa maraming salamat po sa patuloy na gabay at patnubay sa aking buhay. Maraming salamat po sa kasagutan sa aking mga dalangin. Maraming salamat po sa kagalingang iyong pinagkakaloob sa lahat ng may karamdaman. Dalangin ko po ang iyong pagiingat sa lahat ng mga frontliners, bigyan niyo po sila ng karunungan at lakas ng pangangatawan upang kanilang makayanan ang kanilang mga tungkulin at mga pagsubok na haharapin. Pagpalain niyo po ang lahat ng mga nakabasa nito, huwag niyo po silang lalagpasan. Sa pangalan ni Hesus. Amen

CTRCC Prayer Room 15.01.2021

Panginoon salamat po sa panibagong pag-asa na iyong ibinigay sa'kin, maraming salamat po dahil ikaw ay laging andiyan sa bawat araw. Ako po ay iyong tulungan mamuhay ayon sa iyong kalooban. Sa pangalan ni Hesus. Amen

CTRCC Prayer Room 28.12.2020

Panginoon maraming salamat po sa araw na ito. Salamat po sa buhay at lakas na iyong ipinagkakaloob. Dalangin ko po Panginoon ang iyong pagiingat sa aking mga mahal sa buhay. Pagpalain mo po sila ng malalakas na pangangatawan at bigyan mo po kami ng lakas ng loob upang aming makayanan ang pagharap ng mga panibagong pagsubok sa buhay. Sa pangalan ni Hesus. Amen

CTRCC Prayer Room 10.12.2020

Panginoon salamat po sa araw na ito, binigyan mo po kami ng prebelihiyo na ikaw ay aking purihin, sambahin at pasasalamatan sa lahat ng mga bagay na iyong ipinagkakaloob sa akin. Salamat po sa buong linggong paggabay at pagiingat sa akin at sa aking pamilya. At sa linggong haharapin sa'yo ko po ipinagkatiwala ang lahat. Sa pangalan ni Hesus. Amen