1. Home /
  2. Church /
  3. The Gospel Of Christ-Canada


Category

General Information

Locality: Toronto, Ontario

Address: 869 Kipling Avenue, M8Z 5H1 Toronto, ON, Canada

Likes: 56

Reviews

Add review



Facebook Blog

The Gospel Of Christ-Canada 16.11.2020

ANG MGA PASTOR AY TAO RING KATULAD MO. Siya’y tumayo upang magturo sa aming panambahan. Ang unang hiniling nya sa mga tao ay lumapit sa isat isa at itanong ang ...ganito "kumusta ang iyong mga nagdaang araw?" ang lahat ay umikot at nagtanong, nagkamayan at nagtapikan sa balikat. At ang iba naman ay nagyayakapan! Napangiti ako sa aking namasdan. Alam nyo ba kung bakit? Walang sinuman sa kanila ang lumapit sa Pastor at itanong ang napakasimpling tanong, "Kumusta ang iyong mga nagdaang araw?, samantalang, napagod din sya at nahirapan sa mga nagdaang araw. Ang mga Pastor at mga Medical Doctors ay mayroong pagkakatulad. Para bang sa tingin nila ay mga Super Heroes. Naniniwala ang mga taong sila'y mabuti at maayos hangga't nakikita nilang sila ay humihinga! Madalas nating itanong sa Pastor, "Pastor, ipinapanalangin mo ba ako?" ngunit nasabi mo na ba sa kanyang, "Pastor, lagi kitang ipinapanalangin." Marunong kang magparatang sa pastor mo na hindi ka man lang mabisita ngunit, napadaan ka na ba sa kanya upang kumustahin at alamin kung ok lang ba sya o kaya naman ay sabihan lang ng "hello"? Ikinukwento mo pang ikaw ay magbabakasyon ngunit naisip mo ba kung Kailan yung huli nyang bakasyon dahil lang sa hindi maiwang mga tupa at kasama ka na doon?. Ang iyong pastor ay tao rin! Maniwala ka sa akin, may mga pagkakataon din nararanasan nyang minsan ay ayaw nyang pumunta sa Church dahil sa kanyang karamdaman, discouragement, pagkapagod atbp. ngunit pumupunta parin sya. Pinagkakasya na lang nya ang mga ilang kaibig-ibig na tanawin sa church para maibsan ang kanyang mga nararamdamang sakit. Umiiyak din yan!!! Nakakita na ako ng ilang mga pastor na humihinto na lamang dahil sa sobrang depresyon - iyan ay totoo! Alam ng iba kung paano ipasa ang ibang bigatin sa pastor pero ang hindi nila alam ay mayroon din syang sariling pinapasan. Madalas nating husgahan ang mga kilos ni Pastor dahil iniisip nating sya ay isang parang Anghel. Tinatawag natin syang "Pastor ko" ngunit yung iba nga ay ayaw padesiplina kahit bahagi naman ng trabaho ni pastor ang magtuwid ng maling Gawain. Minsan pa ay nakukuha natin ang ilang oras nya upang humingi ng payo ngunit alalahanin natin na, meron din syang pamilya na naghihintay at nangangailangan din ng attention. Ngunit, kinakailangan ka nyang bigyang kasiyahan dahil tungkulin nya ito.. Nakasuot ka ng magagandang damit at magagandang sapatos ngunit ang sapatos ng iyong Pastor ay nakatawa na dahil malapit nang maghiwalay ang mga swelas. Maaari mong ngitian ang iyong Pastor. Pahalagahan at pasalamatan mo ang iyong Pastor. Regaluhan mo sya at ang kanyang pamilya, hindi mo nga alam kung may makakain sila pagkatapos na pakainin ka ng Espiritwal na mga pagkain (karamihan sa mga pastor ay unsalaried). Padalhan mo sya ng mensahe ng pagmamahal at pagpapalakas ng loob, maaaring ikaw ang kanyang hinihintay ngayon at huhugutan ng lakas ng loob. Sa totoo lang, Kaylan ba yong huling tawag mo sa kanya upang kumustahin at alamin kung ok lang ba sya at ang kanyang pamilya? Ang layo o distansya ay hindi hadlang!!! Alalahanin mo, ang kanyang tungkulin at Gawain ay gabayan ka at alalayan sa Espiritwal na buhay. Ang pagiging masaya nya ay syang magiging inspirasyon upang mas lalong maibigay nya ang kanyang oras, lakas at panahon sa iyo sa tulong ng Panginoon. Tulungan mo ang iyong Pastor na magtagumpay sa lahat ng kanyang ginagawa para sa iyo at sa lahat ng nasasakupan. (hindi kabaliktaran) Maaaring ang sinabi ko sayo ngayon ay hindi sinasabi ng Pastor mo dahil sa kanyang integredad! Hindi sila magpapalimos, oo, at hindi dapat. Ayaw ng Dios na mangyari yan. Siya rin ay taong katulad mo, katulad ko at katulad nating lahat na nangangailangan ng kung ano rin ang pangangailangan natin. God bless our Pastors!!! God bless and Keep Sharing the Good News.

The Gospel Of Christ-Canada 07.10.2020

GOC Canada. ....Welcoming for the family of SISTER Rhose Eligio on January 26 2014....

The Gospel Of Christ-Canada 03.10.2020

If you feel like to go on Outdoor Camping with your family and friends, or If you think you are lost and lonesome and you need of encouragements and feel that you are love and taken cared to be a member of one family..., Then you are truly Invited to Join to our Family Camp Meeting. Just reply and or give us a call...