1. Home /
  2. Other /
  3. UECFI Canada


Category

General Information

Phone: 7807104656



Website: www.uecficanada.ca

Likes: 1789

Reviews

Add review



Facebook Blog

UECFI Canada 28.01.2021

KALAYAAN SA PAGAARAL AT SA PAG-EEBANGHELYO NG LAHAT AT BAWAT ISANG MAGAARAL AT MANANAMPALATAYA SA LOOB NG UECFI Ang UECFI ay itinuturing na isang paaralan ng bu...hay na binubuo ng mga magaaral at mananampalataya sa Espiritu ng Katotohanan. Malayang magaral at magsaliksik sa mga karunungan at katuwiran at kalihiman ng buhay sa ikaliligtas, sa ikasusulong at ikapagtatatagumpay ng lahat at bawat isang espiritu o kaluluwa na nasa katawang laman sa ilalim ng pagtuturo ng ipinangakong Espiritu Santo, at itinalagang mga banal na Espiritu. Hindi kailanman hinahadlangan ng Pamunuan ang mga pagaaral ng lahat at bawat isa na naaayon sa ibinababang mga turo at aral ng Espiritu Santo at ng mga Banal na Espiritu. Ang nasulat na mga aklat ng ibang mga mananaliksik tulad ni AK at ng ibang mga magaaral na may kaugnayan sa katuruan ay nagsisilbing karagdagang kaalaman at hindi kailanman ipinagbabawal na basahin ng sinoman, datapuwa't kung may mga bagay na nakapagdudulot na kalituhan sa kaisipan ng mga mananampalataya ay hindi mapahihintulutan ng Pamunuan na ito ay pangibabawin sa loob ng paaralan ng buhay (UECFI), sapagka't may itinalagang mga tagapagturo, tagapagpaalala at patnubay ang Dios mula sa kaluwalhatian na naghahayag na ng lahat ng mga bagay at pinatotohanan ang totoong mga katotohanan, tulad ng mga sumusunod: 1. Ang pagkilala sa Panginoong Jesucristo bilang tunay at totoong Dios, at hindi isang modelong tao lamang ng Dios na siyang pinakikilala at pinaninindigan ng mga nagtataguyod sa mga aklat ni AK (Juan 1: 1,14; 1 Juan 5:20; Pahayag 1:7-8; Pahayag 7:17; Pahayag 22: 13,16) 2. Na may itinalagang mga partikular na mga lugar o tahanan sa mga espiritung nagtagumpay ayon sa antas ng pananampalataya at mga mabubuting nagawa sa buhay laman, gayundin sa mga espiritung nadaig ng lakas ng laman at ng kahinaan, at hindi lamang ito pakiramdam ng kaligayahan o paghihirap ng mga espiritung nasa pagdurusa, at hindi rin nakagagala saan man ibig dumako ng walang pahintulot ang natalagang sundalo ng Dios, maliban pa sa mga espiritung hindi natalaga sa anomang tahanan kundi nananatili lamang sa kapaligiran ng mundo nating mga tao. 3. Na walang ibang laman sa ibang mga tahanan o planeta maliban sa mundo na ating kinalalagyan sapagka't pawang mga espiritu lamang ang doon ay naninirahan, taliwas sa nasulat sa aklat ni AK na may mga naninirahang sulong na mga laman o nilalang sa ibang mga daigdig o planeta. 4. Na ang muling pagkakatawang laman ng bawat espiritu ay ayon sa kalooban ng Dios at hindi ayon sa sariling kagustuhan ng espiritu anomang oras na ibigin. 5. Na ang bawat espiritu ay may mga sinumpaang gampanin at bayarin sa lupa bago pa man mapahintulutang muling magkatawang tao. KUNG KAYA'T ANG MALAYANG PAG-AARAL AT PAGSASALIKSIK NG MGA KASAPI SA UNION ESPIRITISTA CRISTIANA DE FILIPINAS INC. AY NAKASALIG SA MGA TURO AT ARAL AT INIHAHAYAG NA MGA KALIHIMAN NG BUHAY NA DIOS AT NG MGA ARKANGHELES NA UNANG NAPATOTOHANAN NG MGA PROPETA AT NG MGA APOSTOLES NA PINAPAGING BANAL NG DIOS AT INATASANG MAGTURO HANGGANG SA KANILANG BUHAY ESPIRITU NA NAPATOTOHANAN AT PINATOTOHANAN NG ATING MGA FUNDADORES DON JUAN ALVEAR AT DON AGUSTIN DELA ROSA AT PATULOY NA NAPAPATOTOHANAN HANGGANG SA KASALUKUYANG PANAHON. Ayon sa Aklat ng isa sa mga Fundadores ng UECFI na si DON JUAN ALVEAR, "DOKTRINA ESPIRITISTA", Capitulo 2: Parte Filosopika Ng makipanayam siya sa Banal na Espiritu at nagtanong: Kung ano ang fundamento ng Doktrina Moral ng Espiritismo? Sagot ng Banal na Espiritu : "Walang iba kundi ang aral at evangelio ni Jesus Cristo, kaya ito natatawag na Espiritismo Cristiano.: Tanong : Itong Espiritismo Cristiano bunga ba sa mga aral ni Jesus Cristo? Sagot: Oo, at bunga ng Espiritu ng Katotohanan na pinangako na ipapadala ni Jesus Cristo. Kung kaya't ang pag-aaral at pagsasaliksik ng mga tunay na mananamba sa Espiritu ng Katotohanan na kasapi ng UECFI ay hindi ayon sa aral o karunungan ng tao, kundi ayon sa mga turo at aral ng mga Banal na Espiritu ng Katotohanan na pinangako sa una pa mang panahon (Joel 2: 28-31), at pinatotohanan ng Panginoong JesuCristo na kanyang pinangako (Juan 14:16-17, 26); at napatotohanan at pinatotohanan ng mga Apostoles ( Gawa 2: 1-13; 1 Cor 12: 1-11) Kung kaya, (99.9%) sa mga kaanib na mga Centro, ang nagtuturo at naghahayag ng mga turo at aral at mga pagsasaliksik ay ang mga Espiritu Protectores na sinusugo ng Dios, at ang mga ipinagkakaloob na mga turo at aral ay nagmumula sa kaluwalhatian (Juan 16: 7-15), at nagdaragdag liwanag sa mga nasulat sa Banal na Kasulatan, na ito ay bukas at may laya ang sinomang lehitimong miyembro na mag-ebanghelyo ayon sa pagkaunawa sa ibinababang "tinapay at tubig ng buhay", at HINDI AYON sa mga Aklat na sinulat ayon sa sariling karunungan at kaunawaan ng ibang mga mananaliksik at matatalinong tao.

UECFI Canada 25.01.2021

ISA PONG PANAWAGAN SA MGA OPISYALES AT MIYEMBRO NG MGA KASAPING CENTRO/LUNDUYAN SA LOOB AT LABAS NG BANSA NA NAGNANAIS NA MAKIBAHAGI NG BILANG SA ATING GAGANAPI...NG VIRTUAL 116th ANNIVERSARY CELEBRATION VIA UECFINATIONAL-YOUTUBE CHANNEL NA IPAPALABAS SA PEBRERO 21, 2021 1. Video record ng pagbati ng mga Opisyales at Miyembro na nasa loob o sa labas ng kinabibilangang Centro/Lunduyan sa pamamagitan ng "HD Video record na .mov o .mp4 ang file", at naaayon sa mga sumusunod: a. Nakasuot ng puting damit, formal attire, o uniporme ng kinaaanibang Centro. b. May malinaw na "Audio". c. Plain white po lamang ang background (ang atin pong graphic designer ang magsasaayos) d. Nakalandscape ang position ng camera (kung cellphone) habang nagrerecord. 2. Ang Video record ay huwag pong hahaluan ng anomang caption o sulat, ang detalye ng Video record ay hiwalay na nakasulat sa ipadadala. 3. Kung walang video record ay maari po ang picture o larawan ng mga opisyales at miyembro na nasa loob o sa harapan ng Centro. 4. Ang Deadline po ng pagsusumite ng video record ay sa Disyembre 05, 2020. 4. IPADALA PO ANG INYONG VIDEO RECORD O PICTURE/LARAWAN SA: [email protected] 5. Huwag po sanang kalimutan na magsubscribe muna bago panoorin ang anomang nakaupload na video, lalo't higit sa araw ng "showing" ng ating Virtual 116th Anniversary. 6. Marami pong salamat sa inyong pakikiisa.

UECFI Canada 10.01.2021

Just an update po mga kapatid sa pananampalataya You can also check all registered/affiliated centers in Canada.

UECFI Canada 02.01.2021

The Holy Spirit is always beside you no matter what and if you keep connected, you are always protected and in the state of peace and harmony.The Holy Spirit is always beside you no matter what and if you keep connected, you are always protected and in the state of peace and harmony.

UECFI Canada 31.12.2020

Thank you everyone for liking our Canada Page! Sorry if we don't have much updates. Just please keep safe and God blessThank you everyone for liking our Canada Page! Sorry if we don't have much updates. Just please keep safe and God bless